May mga real estate agents akong nakausap sa site trip at nakwento nila na dati ay hirap din silang i-explain sa clients nila kung anong magiging itsura ng isang lugar kapag na-develop na. Kailangan nila itong mai-describe at ma-explain ng mabuti para ma-imagine ng interesed buyer kung anong mangyayari sa lugar. Bakit? Kasi ganito usually ang itsura ng mga pre-selling properties kapag sinisumulan palang ang project.
_________________________ 3 ADVANTAGES NG PRE-SELLING PROPERTIES ------------------------------------------ 1. MAS MURA AT MAKAKATIPID KA. Dahil nga hindi pa naitatayo ang bahay, usually eh mas mura itong binibigay ng developer lalo na dahil sa installment option na pwede mong pagpilian. Di hamak na mas mahal ang mga RFO (ready for occupany) units at kadalasan eh kakaunti na lang ang option mo.
May nakausap din ako lately na homeowner na sa Calamba, Laguna. A few years ago daw, nakuha lang nila ng less than Php 2,000 per month ang bahay at lupa nila. Yes, naging maagap sila kaya naman ngayon ay may sarili na silang property at hindi na nangungupahan lang! Ang sabi nga, why rent when you can own it?!! Ngayon, may mga property pa rin naman mura at malapit sa Metro Manila tulad ng Valle Dulce, isang affordable community project ng Filinvest sa Pueblo Solana in Calamba. Alam nyo ba na pwedeng maging inyo ang bahay at lupa na ito for as low as Php 4,007 monthly!? CALL or TEXT me at 0917 739 8227 for info. 2. MARAMING OPTION AT PWEDENG MAMILI NG UNITS. Kapag bago palang ang project at pre-selling stage, bukod sa mura mo itong makukuha eh pwede ka rin makapamili kung anong unit ang gusto mo. For example, karamihan sa nakilala ko sa mga site trips ay gusto ang END UNIT lalo na sa townhouses o di kaya naman ay un malapit lang sa gate or amenities ang lokasyon ng bahay nila. Dahil pre-selling sila kumuha, mas marami silang napagpilian at hindi nahirapan sa gustong lokasyon ng dream house nila.
CAN'T WAIT TO MOVE-IN?! Don't worry. Meron din pong mga available units na READY FOR OCCUPANCY (RFO) na tulad nitong mga townhouses sa BELLA VISTA. Reserve it for as low as Php 5,000! 3. GOOD INVESTMENT AT PWEDENG MALAKI ANG TUBO. Lumaki akong palaging naririnig sa magulang ko na mas okay raw mag invest sa bahay at lupa. Tama! Kasi habang hinuhulugan mo ang bahay at lupa kahit di mo pa nakikitang tapos eh tumataas na ang market value nito. Kung sa Pre-selling price mo nakuha ang property at eto ay worth 1 million, baka by the time na natapos ito at lumipat ka ay mas tumaas na ang presyo. Who knows, kapag naisipan mong ibenta eh baka nasa 1.5 million na ang halaga nito at tumubo ka na agad!
Let's take this pre-selling condo tower in Quezon City as example. Ngayon, ang isang Studio Type Unit na may floor area na 19 sqm ay nasa 1.4 million pesos lang kung bibilhin mo ito ngayon at Ready for Occupancy na by 2016. By next year, for sure magkakaroon na ng price increase lalo na kasi very strategic ang location at 15 minutes away from major schools and universities. You can rent it out to college students or young professionals kung di mo pa naman gagamitin or re-sell it at a higher price.
0 Comments
Leave a Reply. |
Hi, I'm Apple Allison of Sole Searching Soul, a travel blog dedicated to Make a Difference One Trip at a Time. Categories
All
Archives
May 2019
|
Sole Searching Soul by Apple Allison
For invitation, promotions and advertising, please contact me through apple@solesearchingsoul.com, DM me on twitter or send me a message. |
|